-- Advertisements --
Kinumpirma ngayon ng organizers ng B.League All-Star Game na kanilang inirekomenda na mapasama sa Thirdy Ravena na maglalaro sa selection team ng All-Star Weekend na gaganapin sa January 15-16, 2021 sa Adastria Mito Arena.
Si Ravena ay kabilang sa Asuan import ng San-En NeoPhoenix.
Ang 6-foot-2 guard mula sa Pilipinas ay naglaro na ng pitong games para sa San-En, at nag-average ng 9.3 points at 4.0 rebounds.
Noon lamang Sabado ay bumalik na ito sa paglalaro matapos na sumailalim sa quarantine dahil sa pagpositibo sa COVID-19.
Nito lamang nakalipas na Huwebes ay edad 24-anyos na si Ravena.