-- Advertisements --

Hindi pa rin binibitawan ni dating Ateneo Blue Eagles star player Thirdy Ravena na mapabilang sa Gilas Pilipinas.

Ito ang kinumpirma ni Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) President Al Panlilio, kahit na kinuha na siya na maglaro sa isang koponan ng Japan Basketball League.

Si Ravena kasi ang kauna-unang Filipino na pumirma at maglaro sa first division ng Japan Basketball League na isang professional league.

Dagdag pa ng SBP president na prayoridad pa rin ni Ravena ang pagiging bahagi ng Gilas Pilipinas.

Napabilang kasi si Ravena na naglaro sa FIBA World Cup Asian Qualifiers noong nakaraang taon at bahagi rin siya sa first window ng FIBA Asia Cup 2021 qualifiers noong Pebrero.