Sinuspendi ng dalawang laro si Thirdy Ravena at pinagmulta ng 100,000 yen o katumbas ng mahigit P43-K dahil sa pagsira ng sponsor signboard ng Toyama Grouses.
Ayon sa koponan kung saan naglaro si Ravena na San-En Neo Phoenix nagbunsod ang suspension dahil sa hindi magandang ugali na ipinakita ni Ravena sa pagkatalo nila nitong Linggo laban sa Toyama Grouses ng Basketball league ng Japan.
Hindi kasi naipasok ni Ravena ang kaniyang free-throw sa huling segundo ng laro para maitabla sana ang laro 90-89.
Naiyak si Ravena at dahil sa emosyon ay nasira niya ang signboard ng nakalabang koponan.
Humingi naman ng paumanhin ang Filipino player dahil sa ipinakita nitong maling asal.
Pinayuhan na lamang ng koponan si Ravena na pag-aralang mabuti bawat kilos na ipinapakita niya.