-- Advertisements --

Ikinagalak ng ilang sektor sa pagnenegosyo ang desisyon ng pamahalaan na luwagan na rin ang guidelines sa mga biyahero na dumarating sa bansa.

Tinatawag pa ito ni Presidential Adviser on Entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion na “panalo” dahil nakinig daw ang IATF sa patuloy na panawagan ng airline sector lalo na para sa mga vaccinated travelers.

joey concepcion go negosyo
Presidential Adviser on Entrepreneurship and Go Negosyo founder Joey Concepcion

Una nang inanunsiyo ng IATF na papayagan na ang mga biyahero na bakunado mula sa mga tinaguriang green list at yellow countries na pagdating sa bansa sa ikalimang araw ay sumailalim sa COVID-19 test at kung may negative ay puwede ng umuwi at doon lamang sa bahay nila mag-quarantine at i-monitor ang sarili para sa karagdagang limang araw.

Para naman sa mga hindi bakunado 14 days pa rin, kung saan pitong araw sa hotel at pitong araw sa kanilang bahay, basta magnegatibo sa ikapitong araw sa COVID-19.

Ayon kay Sec. Concepcion ang maiksing quarantine guidelines ay malaking tulong para mapalakas pa ang economic activities sa last quarter ng taon.

Liban nito, mas maraming pamilya rin daw ang magkakaroon ng reunion na wala ng masyadong dagdag na iniisip sa mahabang quarantine sa mga government facilities.

“We just scored another win! I am happy and thankful that the government listened to the airline sector and my repeated calls to relax the guidelines for fully vaccinated travelers,” ani Concepcion sa kanyang statement. “This is a great Christmas gift for Filipino families. We have lost so much lives this pandemic. Now, our balikbayans and their families can celebrate the holidays together.”