-- Advertisements --

Aminado ang All-Star point guard ng Phoenix Suns na si Chirs Paul na malayo pang matapos ang serye nila laban sa Milkwaukee Bucks sa NBA Finals.

Ayon sa veteran player na nanguna sa Game 1, isang panalo pa lamang ang kanilang nagagawa at kailangan pa ang 3-wins.

Sana raw ay hindi sila mawalan ng focus sa best-of-seven series.

Sinabi naman ng ilang teammates ni Paul na sina Devin Booker at Mikal Bridges, makikitang handang-handa sa kanyang unang NBA Finals si Paul na sa kanilang pananaw ay sa akala nila ay hindi papaltos sa bawat mga tira.

“This is just one game,” ani Paul. “We’ve got to stay locked in.”

Sa kampo naman ng Milwaukee, sinabi ng top scorer kanina na Kris Middleton, alam daw nilang mahirap ang serye at may pagkakataon na matatalo sila.

Giit naman ng kanilang coach, habang tumatagal ang serye gagaling ang kanilang koponan lalo na at nagbalik na ang kanilang two-time MVP na si Giannis Antetokounmpo.

Para raw kay Giannis masaya siya at gumaling na ang kanyang injury at makakatulong siya ng malaki sa kanilang kampanya.

“I’m just happy that I’m out there and I’m able to help my team in any way possible,” wika pa ni Antetokounmpo.