-- Advertisements --
justin trudeau
Canadian Prime Minister Justin Trudeau

Binigyang-diin ni Canadian Prime Minister Justine Trudeau na malinaw umano ang mga ebidensya na nakalap ng mga otoridad upang isisi sa Iran ang pagbagksan ng Ukrainian jetliner na kumitil sa buhay ng 176 katao na sakay nito.

Sinabi ni Trudeau sa isang news conference sa Ottawa, Canada na nakita sa imbestigayon na pinagbagsak ng isang Iranian surface-to-air-missile ang nasabing sasakyang pang himpapawid.

Babala rin ng prime minister na preliminary pa lang ang naturang imbestigasyon at hindi na ito nagbigay ng karagdagang impormasyon hinggil sa mga ebidensyang nalikom ng Canada at ng mga ka-alyado nito.

Kinumpirma din ni Trudeau na nakipag-usap na si Canadian Foreign Minister François-Philippe Champagne kay Iranian Prime Minister Mohammad Javad Zarif kung saan sinabi nito na kinakailangang pabilisin ang pag-apruba sa request ng Canada na magkaroon ito ng access sa lahat ng partnership ng Iran.

Ito ay para malaman na rin kung intensyunal ang ginawang pagpapabagsak ng Iran sa Boeing 737 aircraft sa Tehran.

Nabatid na 63 Canadian nationals ang kasama sa mga namatay nang bumagsak ang eroplano.

Una nang itinanggi ng mga otoridad sa Iran ang mga alegasyon na nag-uugnay sa kanila sa insidente.