-- Advertisements --
thomas cook 2
Roughly 600,000 travelers are stranded around the world after British travel provider Thomas Cook declares bankruptcy.

Magpapatuloy pa rin ang repatriation program ng Britain’s Civil Aviation Authority (CAA) upang mapauwi sa United Kingdom ang libo-libong pasahero na na-stranded sa ibang bansa.

Ayon sa CAA, aabot ng 70 flights ang nakatakda sa Huwebes upang sunduin ang 16,000 katao mula sa iba’t ibangpanig ng mundo.

Kinumpirma rin nito na halos 150 Thomas Cook crew at 30% sa mga turista ang nakauwi na sa kanilang bansa matapos ang unang tatlong araw nitong operasyon.

Kinansela ng 178-year old British tour operator na Thomas Cook ang libo-libo nitong flight schedules matapos magdeklara ng bankruptcy ang nasabing airline.

Ginawa ang naturang anunsiyo matapos magpulong ang mga opisyal ng paliparan upang subukan na isalba ang tinaguariang “world’s oldest holiday company.”

Samantala, hindi naman naitago ng Fosun Group mula China ang kanilang pagkadismaya matapos ang deklarasyon ng Thomas Cook.

Ang Fosun Group ang pinaka-malaking shareholder ng naturang British travel firm sa loob nang mahabang panahon.

“Fosun is disappointed that Thomas Cook Group has not been able to find a viable solution for its proposed recapitalisation with other affiliates, core lending banks, senior noteholders andadditional involved parties,” saad ng kumpanyasaisangpahayag.

“Fosun confirms that its position remained unchanged throughout the process, but unfortunately other factors have changed.”

“We extend our deepest sympathy to all those affected by this outcome.”