Naging bayani sa panalo ng Barangay Ginebra si Scottie Thompson laban sa Magnolia Hotshot Timplados.
Naging susi kasi ang kaniyang three-points shots sa huling segundo ng laro para talunin ang Hotshots 95-92 sa kanilang Christmas games ng PBA Commissioner’s Cup na ginanap sa Araneta Coliseum sa Quezon City.
Hawak pa ang Hotshots ang kalamangan sa mga unang tatlong quarters hanggang ito ay napababa ng Barangay Ginebra.
Inamin ni Ginebra coach Tim Cone na sa first half ay dismayado na ito dahil sa naging mahina ang kanilang paglalaro.
Nanguna sa panalo ng Ginebra si Justin Brownlee na nagtala ng 28 points, pitong rebounds at limang assists habang mayroong 20 points si RJ Abarrientos.
Hindi naman umubra ang nagawang 17 points at 16 rebounds ni Ricardo Ratliffe para sa Hotshots.