Kinumpirma ng Golden State na napunit ang anterior cruciate ligament (ACL) ni Warriors swingman Klay Thompson sa kanyang kaliwang tuhod nitong Game 6 ng NBA Finals.
Natamo ni Thompson ang injury sa natitirang 2:22 ng third quarter matapos nitong tangakin na magsalpak ng breakaway dunk at ma-foul ni Toronto Raptors guard Danny Green.
Hindi naging maganda ang lapag ni Thompson sa floor dahilan para mamilipit ito sa sakit.
Napagpasyahan ng Golden State na huwag nang paglaruing muli si Thompson, at umalis ito sa gusali na may saklay.
Sa naturang laro, nagbuhos ng 30 points si Thompson upang pangunahan ang Warriors, ngunit hindi ito naging sapat dahil inagaw na sa kanila ng Raptors ang korona sa NBA, 114-110, at tinapos sa 4-2 ang championship series.
“It’s amazement that we’re sitting in this position with — during the game, we have a chance to win the game and force a Game 7, go back to Toronto — you just think, ‘How? How has this group of guys put themselves in position to do it?'” wika ni Warriors coach Steve Kerr nang matanong ukol kay Thompson.
“And then, as I said, when Klay goes down and is out for the game, it’s just sort of a, ‘You gotta be kidding me. This has to stop.’
“But it’s just — the way it’s gone, I don’t know if it’s related to five straight seasons of playing 100-plus games and just all the wear and tear, but it’s devastating.”