-- Advertisements --

Nalampasan na ng NBA star na si Klay Thompson ang basketball legend na si Kobe Bryant sa all-time list sa dami ng mga nagawang three points shots sa kasaysayan ng NBA.

Naungusan ni Thompson si Bryant nang maipasok niya ang pitong 3-pointers sa laro kanina upang tulungan din ang Golden State Warriors na talunin ang Sacramento Kings, 126-114,

Sa kabuuan may team-high na 23 points si Thompson habang ang scoring champion na si Stephen Curry ay nagdagdag ng 20 puntos.

Sa ngayon si Thompson ay meron ng career three points na 1,829 upang malampasan si Bryant na may 1,827 sa NBA all-time list sa ika-20 pwesto.