-- Advertisements --

Posible umanong ikonsidera ni NBA star Klay Thompson na tumalon na sa ibang teams sa kanyang hometown sa Los Angeles mula sa Golden State Warriors.

Batay sa ulat, ito raw ay kung hindi ito alukin ng Warriors ng limang taong max deal na may presyong aabot sa $190-milyon.

Pag-iisipan din umano ni Thompson ang alok ng Lakers at Clippers sa free agency sakaling walang ihandog sa kanya ang Golden State sa pagsisimula ng moratorium period sa Hulyo 1 (oras sa Pilipinas).

Mayroon nang $32-milyon ang Lakers sa salary cap space makaraan ang trade nila sa Washington Wizards noong nakalipas na araw.

Matatandaang si Thompson, na isang unrestricted free agent, ay dumanas ng injury noong Game 6 ng NBA Finals makaraang mapunit ang kanyang kaliwang ACL.