BEIRUT, Lebanon – Sinariwa ng maraming tagasuporta ang pagluluksa matapos ang halos kalahating taon nang mapatay sa malawakang Israeli airstrike sa Beirut, Lebanon ang Hezbollah leader na si Hassan Nasrallah.
Ito ay kasabay ng tuluyang paghahatis kay Nasrallah sa huling hantungan.
Marami ang nakiisa sa pinakamalaking stadium sa Beirut kung saan doon sinimulan ang pag-alala at iba pang aktibidad.
Isinagawa ang isang prusisyon patungo sa shrine ng Southern Beirut kung saan doon inihimlay ang labi ng nasawing lider.
Si Nasrallah ay sinasabing sekretong inilibing sa isang private ceremony matapos itong masawi sa pag-atake, ayon sa Hezbollah officials.
Samantala, mula sa isang remote location, ipinarating ni Hezbollah Secretary General Naim Qassem sa mga nagdadalamhati sa pagkamatay ni Nasrallah na ipagpapatuloy nila ang nasimulan ng Nasrallah.