Tiniyak ni AFP chief of staff Gen. Felimon Santos Jr., hindi magtatagumpay ang anumang planong pag-atake na ilulunsad ng New Peoples Army (AFP) laban sa tropa ng pamahalaan at sa mga komunidad.
Babala ni Santos sa rebeldeng grupo, nakahanda ang militar para mapigilan ang ginagawang ” treacherous attack”.
Itoy sa kabila ng pagtutok din ng AFP sa krisis na kinakaharap ng bansa ang COVID-19.
” Let this be a warning to them that while we fulfill our duties to contain the spread of COVID-19, we will not back down to any attempt to disrupt the peace in our communities,” mensahe ni Gen. Santos.
Ang pahayag ni Santos ay bunsod sa tangkang pag-atake ng grupong NPA sa mga sundalo sa Rodriguez,Rizal kahapon, pero matagumpay itong napigilan ng 18 sundalo.
Nilinaw din kahapon ng NPA na hindi nila kinikilala ang ceasefire declaration.
Batay sa impormasyon ng militar na nais ipagdiwang ng NPA ang kanilang anibersaryo ngayong araw March 29 na may malaking impact sa government forces.
Pero hindi ito nagtagumpay ayon sa chief of staff.
” This attack on our people throws away their so-called “humanitarian principles” and expose the exploitative nature of their ceasefire declaration,” dagdag pa ni AFP chief Santos.