CAGAYAN DE ORO CITY – Tahasang itinanggi ng kasalukuyan at dating mga senador na tumatayong nasa panig ng oposisyon ng dating Duterte administration na kailanman ay hindi umano sila makipag-alyado sa liderato ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr para sa 2025 at 2028 elections.
Paglilinaw ito ng dating mga senador na sina Atty. Francis ‘Kiko’ Pangilinan; Bam Aquino;Atty. Chel Diokno at incumbent Senator Risa Hontiveros nang matanong ng Bombo Radyo patungkol sa plano nila sa darating na halalan ng bansa.
Paliwanag ni Pangilinan na walang kakampihan ang kanilang grupo kina Marcos at dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Pangilinan at maging ni Aquino na aasahan ng mga botante ang ‘three-corner fight’ sa pagitan umano ng mga kandidato ni Marcos,Duterte at mula kanilang hanay.
Natanong kasi ang mga ito dahil tila biglang kumalma sa kanilang mga banat at ‘constructive criticisms’ sa mga kapalpakan na nangyayari sa Marcos administration.