Ibinahagi ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr., ang three-year long-haul plan ng gobyerno upang patatagin ang healthcare system capability ng bansa, pati na rin ang kakayahan nito na tugunan ang public health crisis pagdating ng panahon.
Kasama sa long-term plan objectives ng gobyerno ay ang pandemic containment strategy para sa 2021, paggapi sa COVID-19 stigma sa 2022, at maabot ang health self-sufficiency o preparation sa dadating pang pandemic at sakuna sa 2023.
Ngayong taon, target umano ng pamahalaan na patatagin ang Prevent-Detect-Isolate-Treatment-Reintegration strategy nang sa gayon ay tuluyang makontrol ang COVID-19 transmission sa mga komunidad.
Magtatayo rin ng marami pang intensive care units (ICUs) at hospital beds para sa mga COVID-19 patients na nakararanas ng severe symptoms.
Nanawagan din ang kalihim sa mga lokal na pamahalaan na paigting pa ang COVID-19 response sa kanilang mga barangay.
“And also, we will establish an economic resilience in terms of strengthening minimum health standards and quarantine policies,” dagdag ni Galvez.
Sa susunod na taon naman ay target daw ng gobyerno na tuluyang mapuksa ang COVID-19 virus para sa full economic recovery ng Pilipinas.
Isusulong din ng pamahalaan ang aktibong partisipasyon ng bansa sa mga pampribadong pharmaceutical companies at Vaccine Experts Panel (VEP) para tiyakin ang seguridad ng mga bakuna.