THE GAME WINNER! 🐉 pic.twitter.com/msdvz1Ck8X
— Miami HEAT (@MiamiHEAT) December 28, 2019
Naging kapana-panabik ang banggaan ng Indiana Pacers pero sa huli ay namayani ang Miami Heat, 112-113.
Si Goran Dragic ang nagsalba sa Heat sa 6.8 seconds ang nalalabi upang itala ang kanilang ika-23 panalo (23-8) ng isang puntos lamang.
Ang swerte ng Heat ay nagpaangat pa sa kanilang NBA’s best home record na 14-1.
Ang pinakamahalagang tira ni Dragic ay ikatlo sa pagtatangka ng Heat dahil minalas din sa go-ahead possessions sina Jimmy Butler at Kendrick Nunn para sa kanilang mga offensive rebounds.
Matapos ang huling puntos ni Dragic nagkaroon pa ng tiyansa ang Pacers na maipanalo ang laro pero hindi rin umubra ang tira ni Aaron Holiday na 10-footer nang madepensahan din siya ni Derrick Jones Jr. ng Miami.
Dahil sa dikitang laban umabot pa sa limang beses ang palitan ng kalamangan sa huling 2:21 na oras sa fourth quarter.
Kabilang din sa naging bentahe ng Heat ay nang mamayani sila sa rebounds kontra sa Pacers na 56-34.
Bago pa man ang laro nagbabala na si Fil Am coach Erik Spoelstra na magiging pahirapan ang kanilang face off sa Pacers, at nagkatotoo nga.
Malaking tulong naman ang ginawang diskarte nina Butler na nagpakita ng 20 points, Bam Adebayo na nagtapos sa 18 points at 15 rebounds, Kendrick Nunn na may 17 at si Dragic na nagtapos sa 14.
Si Duncan Robinson naman ay nagpakawala rin ng 18 points, kung saan naipasok ang anim na 3-pointers para sa kabuuang 101 puntos na ngayong season para wasakin ang record ng dating mga players sa Miami.
Sa panig ng Indiana si Holiday ay kumamada ng 17 puntos para manatili ang koponan sa 21-11 win loss record.
Ang next game ng Pacers ay laban sa New Orleans sa Linggo.
Habang host naman ang Heat sa karibal na Philadelphia.