-- Advertisements --
Nuggets vs Thunder video from House of Highlights

Hindi pa rin kinaya ng Oklahoma City Thunder ang Denver Nuggets, 115-105.

Ito na ang ikaapat na paghaharap ng dalawang teams at laging nananalo ang Nuggets.

Dahil dito, napantayan na ng Nuggets ang NBA defending champion na Golden State Warriors bilang may best record sa Western Conference.

Nagsama-sama ng puwersa sina Jamal Murry na may 27 points, Nikola Jokic na umeksena ng 23 points at 16 rebounds upang iposte ang 51-24 record.

Aminado naman ang dating NBA MVP na si Russell Westbrook na hindi na-sustain ng kanilang koponan ang kanilang mga tira.

Nasayang tuloy para sa Thunder ang 27 points, nine rebounds at nine assists ni Westbrook at si Paul George na kumamada ng 25 puntos at nine rebounds.

Ang next game ng Nuggets ay kontra sa Wizards sa Lunes, habang tatangkaing bumawi ng Thunder laban sa Dallas.