Ipinoste ng Oklahoma City Thunder ang second-largest playoff comeback upang ibulsa ang 3-0 lead laban sa Memphis Grizzlies.
Sa ikatlong game sa pagitan ng dalawang koponan, binura ng Thunder ang 29-point deficit upang itumba ang Grizzlies, hawak ang anim na puntos na kalamangan, 114-108.
Sa pagtatapos ng 1st half, hawak na ng Memphis ang 26-point lead at halos ibulsa na ang isang panalo laban sa NBA top team.
Gayunpaman pagpasok ng ikatlong quarter ay agad umarangkada ang OKC at ipinoste ang 36-18 scoring run sa loob ng 12 mins, daan upang bumaba sa walo ang deficit.
Maliban sa episyenteng opensa, naging maganda rin ang depensang ipinakita ng OKC at pagpasok ng 4th quarter ay lalong nangibabaw ang elite defense ng NBA top team.
Nagawa kasi ng koponan na limitahan ang Memphis sa 13 points sa buong 4th quarter. Sa huling 4mins & 50 secs ng laro, mistulang nagkaroon ng offensive breakdown ang Grizzlies dahil walang naipasok na kahit isang puntos ang koponan.
Sa huli, nagawa ng Thunder na iposte ang 27 points sa 4th quarter, tangan ang 6-point at muling ibinulsa ang Game No. 3
Muling gaganapin sa homecourt ng Grizzlies ang Game No. 4 ngunit kung umabot sa Game 5, babalik na ito sa homecourt ng OKC.
Sa kasalukuyang playoffs, tanging ang top NBA team na Thunder ang nakagawa ng 3-0 lead.