Bumangon mula sa pagkakabaon sa 22-points ang Oklahoma City Thunder upang pahiyain ang Miami Heat, 116-115.
Nagpasok ng 3-pointer si Mike Muscala sa nalalabing limang segundo para tuluyang mapasakamay ng Thunder ang panalo.
Namayani sa Oklahoma sina Darius Bazley na umiskor ng 21 points, at si Shai Gilgeous-Alexander na may 18 points.
Ang rookie namang si Tyler Herro ang nanguna sa Miami tampok ang kanyang season-high na 30 points.
Nagtala ng 56% shooting ang Heat sa first half at tangan ang 66-62 abanse sa break.
Pumukol ng 3-pointer si Gabe Vincent sa huling 0.6 segundo ng third quarter para palawigin ang lamang ng Miami sa 100-82.
Itinabla ng unang tres ni Muscala ang iskor sa 113 sa nalalabing 34.8 segundo.
Lamang pa ng dalawa ang Heat sa 11.6 segundong natitira matapos ang driving layup ni Solomon Hill.
Naagaw naman ng Thunder ang abanse sa 116-115 nang maipasok ni Muscala ang kanyang ikalawang 3-pointer, at nagmintis ang tres na tinangka ni Herro sa pagtunog ng buzzer.