Nananantiling undefeated ang Oklahoma City Thunder ngayong season at naitala na ang ika-pitong panalo(7-0) matapos malusutan ang comeback attempt ng Orlando Magic.
Muling bumida ang point guard na si Shai Gilgeous-Alexander sa panalo ng Thunder at nagpasok ng 21 points at siyam na assists kasama ang anim na rebound.
Kumamada naman ng 23 points ang forward na si Jalen Williams
Tuloy-tuloy naman ang mga pagkatalong dinaranas ng Orlando Magic dahil sa hindi pa rin paglalaro ni Paolo Banchero. Bilang kapalit ni Banchero, nagbuhos ang Magic forward na si Franz Wagner ng 22 points sa pagkatalo ng Orlando.
Taglay pa rin ng OKC ang magandang opensa kung saan 12 3-pointers ang kanilang pinakawalan sa kasagsagan ng laban.
Sa naging laban ng dalawa, maraming shots ng Magic ang hindi kumunekta at umabot lamang sa 29 ang kanilang naipasok mula sa 82 attempts.
Sa loob ng pitong magkakasunod na larong maipanalo ng OKC, nagawa ng koponan na manalo gamit ang average na 10 points na kalamangan.