-- Advertisements --

Wagi ang Oklahoma City Thunder kontra sa katunggali nitong New Orleans Pelicans sa score na 97-89 sa ginanap na NBA playoffs round 1 Game 4 ngayong araw.

Kumamada ng 24 pts, 10 reb at 4 ast ang guard ng Thunder na si Shai Gilgeous- Alexander para pangunahan ang team sa pagkapanalo nito.

Umalalay naman ang kanilang forward na si Jalen Williams na nagpasok ng 24 pts, 8 reb, 4 ast.

Hindi naman napakinabangan ang ambag na puntos ni Pelicans guard CJ McCollum na pumalo sana ng 20 pts,6 reb at 2 ast.

Sa unang quarter nang laro ay tabla ang naging resulta habang lumamang naman ang Pelicans ss ikalawang quarter.

Nagpatuloy ang pamamayagpag ng Pelicans sa ikatlong quarter ngunit hindi pumayag ang Thunder na maungusan kaya nagpaulan ito ng puntos dahilan para hindi na tuluyang nakabawi ang Pelicans

Dahil sa pagkapanalong ito ng Thunder ay mayroon na silang lead score na 4-0.

Ginanap ang naturang laban sa Smoothie King Center na dinaluhan ng libo-libong fans ng dalawang team.