-- Advertisements --

Pinangunahan ni Shai Gilgeous-Alexander ang Oklahoma City Thunder sa isang 117-115 na panalo laban sa Memphis Grizzlies noong Sabado, Abril 26 kung saan ramdam na ng koponan ang 4-0 bentahe sa kanilang Western Confe­rence first-round playoffs series.

Nagdagdag din si Jalen Williams ng 23 points para sa Thunder. Ang Oklahoma City ang kauna-unahang koponan na nakarating sa ikalawang round ng playoffs.

‘Di naman nakapaglaro ang star guard na si Ja Morant dahil sa hip injury, ngunit nagpakita sila ng matinding pwersa, kabilang na ang 30 points at 11 rebounds ni Scotty Pippen Jr. ngunit hindi pa rin nakapagtala ng panalo ang Memphis.

‘Their fight tonight was impressive,’ pagsasalarawan ni Thunder coach Mark Daigneault.

‘Down 3-0, down Morant and down 11 with four minutes to go. Lot of respect for them competitively,’ dagdag pa nito.

Matapos ang dikit na laban, nagbagsak si Williams ng isang crucial 3-pointer sa huling bahagi ng laro, na nagbigay sa Thunder ng 10-point lead. Bagamat naghabol pa ang Grizzlies, hindi na nila naitabla ang laro kung saan nakamit na ng Oklahoma City ang kanilang sweep.

Samantala maghihintay ang Thunder para sa susunod na round kung saan makakaharap nila ang Denver Nuggets o ang Los Angeles Clippers.