Hindi nakayang buhatin ni 3-time NBA MVP Nikola Jokic ang Denver Nuggets sa kabila ng kaniyang triple-double performance sa pinakaunang game ngayong season.
Tinambakan kasi ng Oklahoma City Thunder ang Nuggets, 102 – 87 sa pagharap ng dalawa. Bigtime double-double performance ang ginawa ng bagitong sentro na si Chet Holmgren – 25 points, 14 rebounds; habang 28 points ang ipinoste ni Shai Gilgeous-Alexander.
Hindi naging sapat ang 16-12-13 (points-rebounds-assists) performance ni Jokic para tapatan ang tandem nina Holmgren at Shai.
Samantala, nalimitahan lamang sa 6 points ang triple-double king na si Russell Westbrook sa kaniyang Denver debut.
Tulad ng dating laro ng Thunder noong nakalipas na taon, muli itong nagpakita ng fast-paced play laban sa 2023 NBA champion.
Nagpasok ang Thunder ng 43 shots mula sa 101 attempts at tanging 35 shots lamang ang naging sagot ng Nuggets.
Nagpasiklaban din ang dalawa sa paint area: 62 points ang ipinasok ng Thunder habang 52 points ang ibinulsa ng Denver.
Ito ang unang laro at pagkatalo ng 2023 NBA champion habang unang laro at unang panalo rin ng Thunder.