-- Advertisements --

Bumida si T.J. Warren sa kanyang agresibong paglalaro sa second half gamit ang 11 sa 23 points sa third quarter upang tambakan ng Indiana Pacers ang Oklahoma City Thunder, 111-85.

Tumulong din sa kanya sina Malcolm Brogdon na may 20 points at si Domantas Sabonis na nagdagdag ng 18 points at 16 rebounds upang iposta ng Pacers ang 7-4 record.

Sa ngayon ang Thunder ay winless pa rin sa kanilang road games na meron ng 4-7 record.

Hindi umubra ang diskarte nina Danilo Gallinari na may 14 points at Deonte Burton na nagpakita ng 13 points.

Samantala sa ibang laro, labis ang panghihinayang ng Cleveland Cavaliers nang talunin sila ng Philadelphia Sixers ng isang puntos lamang, 98-97.

Naging bayani sa panalo ng Sixers si Joel Embiid na may 27 points at 14 rebounds.

Habang nasayang naman ang diskarte ni Tristan Thompson sa Cavs na may 17 points at 12 rebounds.

Maging ang Filipino American na si Jordan Clarkson ay kumamada ng 20 points kasama si Kevin Love.