-- Advertisements --

Hindi umano dapat na masyadong magpakumpiyansa si American boxer Keith Thurman sa kanyang tyansa sa tapatan nila ni Sen. Manny Pacquiao eksaktong isang buwan mula ngayon.

Ayon kay Mayweather Promotions CEO Leonard Ellerbe, base raw sa kanyang personal na karanasan, iba umano ang pakiramdam lalo na kapag nakatapak na sa loob ng boxing ring.

Babala pa ni Ellerbe, mas mainam na panindigan ni Thurman ang kanyang panta-trashtalk kay Pacquiao hanggang sa kanilang fight night.

Sinabi pa ni Ellerbe na mas madali umanong sabihin na talunin ang mas nakatatandang si Pacquiao kaysa gawin.

“Keith is starting out in the fight talking lots of trash so he’s got to live up to that word,” wika ni Ellerbe.

“But he’s fighting a straight dog in Manny Pacquiao who’s at 40 years old. To even be having a conversation that can a 40-year old beat a 30-year old, that tells you what kind of level or respect that the fans have for Manny Pacquiao and the accomplishments that he has,” dagdag nito.

Sa panig naman ng fighting senator, kanya raw magiging motivation ang ginagawang trash talking ni Thurman upang magwagi sa kanilang bakbakan.

Maliban dito, giit pa ni Pacquiao na dahil dito ay mas determinado pa raw ito na ipakita na nagkamali si Thurman sa banat nito na kanyang pagreretiruhin ang Filipino boxing legend.

“I’m happy that he’s saying that … It gives me inspiration to focus and do the best that I can in the ring,” ani Pacquiao.