-- Advertisements --

Ipinagmalaki ni Keith Thurman na hindi hamak umano na mas maganda ang kanyang pangangatawan ngayon para sa bakbakan nila ni Sen. Manny Pacquiao kumpara sa nakaraan nitong laban kay Josesito Lopez noong Enero.

Sa naturang laban, itinanghal na panalo sa pamamagitan ng majority decision kahit na ito ang kanyang unang boxing match sa loob ng halos dalawang taon mula sa injury nito sa kanang siko.

Ayon kay Thurman, inaasahan nito na ang kanyang “far better” shape ay magbibigay ng significant difference sa paraan nito ng paglaban kay Pacquiao.

“To be great, it takes great effort,” wika ni Thurman. “I’m applying myself in a better fashion, and I believe that it should show in the fight. I should have a better performance.”

Una nang sinabi ni Thurman na dapat umanong abangan ang kanilang laban ng fighting senator na binansagan nito bilang isa sa mga pinakamagagandang boxing bouts ngayong taon.