-- Advertisements --

Hindi pa rin umano nawawala ang interes ni American boxer Keith Thurman sa posibilidad ng isang rematch kontra kay Pinoy ring superstar Sen. Manny Pacquiao.

Ayon kay Thurman, handa na raw itong harapin muli si Pacquiao ngayong tuluyan na itong nakarekober matapos sumailalim sa hand surgery noong nakaraang taon.

“Now we’re looking at a situation where we’ll both be ready. The ball’s in his court. I just don’t see somebody else really giving him a great fight,” wika ni Thurman.

Naniniwala rin si Thurman na nararapat lamang daw na mabigyan ito ng pagkakataon para sa isang rematch, bilang dati naman daw itong undefeated welterweight champion.

Bagama’t wala rin daw sa kontrata ang rematch, bukas naman daw ang kanyang panig para sa anumang negosasyon.

Samantala, nais sanang lumaban ni Thurman ng dalawang beses ngayong taon.

Ngunit dahil sa COVID-19 pandemic, umaasa na lamang ang American boxer na mabibigyan ito ng tsansa na magkaroon ng kahit isang laban sa buwan ng Nobyembre o Disyembre.

“It’s not that I don’t want to come back sooner, but there’s going to be a delayed process. We’re talking hypotheticals. Sports is gonna be one of the last things to come back around. You’re talking about arenas. Concerts and sporting events are gonna be some of the last things to come around,” ani Thurman.

“With that understanding, then the delay effect of ‘these fighters are supposed to get their fights,’ these fighters that got pushed back — when are they gonna fight? There’s a part of me that would just feel grateful to perform this year.”