-- Advertisements --

Iginiit ni Keith Thurman na wala na umanong interes pa ang mga boxing fans sa posibleng rematch sa pagitan nina Sen. Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr.

Sa opinyon ni Thurman, ang muling pagtutuos nina Pacquiao at Mayweather ay magiging “cash grab” lamang lalo pa’t kumita ng limpak-limpak na salapi ang dalawang superstars nang una silang magtuos noong 2015.

“All they talk about is how much money they’re going to make. How big the fight is,” wika ni Thurman.

Humihirit ngayon ng rematch sa fighting senator si Thurman, na naagawan ni Pacquiao ng WBA “super” welterweight belt sa kanilang bakbakan sa Las Vegas noong Hulyo 21.

Pero mistulang hindi interesado ang kampo ng Pinoy legend sa hiling ni Thurman.

Ayon kay Thurman, mauuwi lamang daw sa parehas na resulta ang Mayweather-Pacquiao 2 kung saan magwawagi pa rin daw ang undefeated American.

“He’s just defensive. He’s gonna put Pac on the offensive and make him miss. He’s gonna make him pay,” ani Thurman.

“I’m just not gonna pick Pacquiao. Floyd is just smart. Forever smart.”

“I think at the end of the day, nobody wants to see it (Mayweather-Pacquiao rematch),” dagdag nito.

Kaya naman, iminungkahi ni Thurman na dapat ay sila na lamang ang mag-rematch ni Pacquiao dahil mas magugustuhan daw ito ng mga fans.

“I can’t say you can’t promote the (Mayweather-Pacquiao 2) fight, but real fight fans know it ain’t gonna be more exciting than what Keith Thurman did,” sambit ni Thurman.