Positibo si dating unified welterweight champion Keith Thurman na makakatuntong itong muli sa ibabaw ng ring sa 2020.
Ito’y makaraang sumailalim si Thurman sa surgery sa kanyang kaliwang kamay ngayong buwan, partikular nitong Setyembre 4.
Salaysay ni Thurman, nag-ugat daw ito sa pananakit ng kamay nito matapos ang pagsuntok sa isang heavy bag ilang taon na ang nakalilipas.
Makaraan aniyang payuhan ito na hindi raw ito agad gagaling kung ipapahinga lamang, pinili na raw ito na sumalang sa operasyon.
Ayon kay Thurman, hindi na raw ito nakararamdam ng pananakit sa kanyang kamay matapos na pagkabit-kabitin ng mga doktor ang ilan sa kanyang mga metacarpals o mga buto sa kamay.
“There is not an issue with my fingers or the knuckles that I make a fist with. It feels so much better now. Right after surgery, it was quite painful with a lot of initial swelling. Right now, it feels good and it’s not swollen as it was. I’m not on any pain meds or anything,” wika ni Thurman.
Maaalalang nabahiran ng pagkatalo ang malinis na record ni Thurman nang magapi ito ni fighting Sen. Manny Pacquiao sa pamamagitan ng split decision noong buwan ng Hulyo.
Inamin naman ni Thurman na malaki raw ang idinulot na abala ng pananakit ng kanyang kamay sa kanyang training camp nito kay Pacquiao, maging sa naunang laban nito kay Josesito Lopez noong Enero.
“It was there in the Josesito Lopez fight and it was there in the Pacquiao fight. But as a world champion, I had to fight and that’s what I did. At the end of the day, there are no excuses, but I wasn’t at my best physically in either of them. I had to fight through it.
“It bothered me in camp and disrupted my preparations more than anything, which is another reason I decided to get the surgery now instead of waiting and doing it later. I can’t promise I would be the same Keith Thurman and I couldn’t promise a great comeback if I were to keep fighting in the condition I was in,” ani Thurman.
Ani Thurman, nais pa raw nitong sumabak sa boxing match sa sunod na tatlo hanggang limang taon.