BUTUAN CITY- Hindi inakala ng isang thyroid cancer patient na si Keano Reeves Collado na makapasa at mapasama sa Top 10 Forester Licensure Examination (FLE) ngayong buwan.
Si Collado ay nagtapos sa kursong Bachelor of Science in Forestry sa Caraga State University Butuan City nitong Agosto.
Bago ito, ikinuwento ng estudyante sa pamamagitan ng kanyang Facebook post, ang kanyang apat na taon ngayon sa pakikibaka sa stage 2 thyroid cancer.
Batay sa kaniyang post, limang araw matapos itong ma-diagnose sa sakit, agad itong sumailalim sa 13 oras na operasyon.
Kung tutuusin, hindi na umano siya nakapagsalita pagkatapos ng operasyon dahil naapektuhan ng mga bukol ang kanyang vocal cords, ngunit nang makapagsalita na siya, laking pasasalamat niya.
Dahil dito, ito ang naging daan niya upang maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral matapos siyang huminto dahil sa kanyang karamdaman.
Sa katunayan, sa tuwing magigising siya, lagi raw siyang nagpapasalamat sa Panginoon dahil binigyan siya ng panibagong araw para i-enjoy ang buhay.
“Lord, this coming Board Exam, I will only accept Top Notcher,” base raw sa dasal ni Collado.
Sa ngayon nga pumasa siya, magiging makapag-focus na siya sa kaniyang pagpapagaling.