-- Advertisements --

Ikinatuwa ng Ppop group na SB19 ang pagka-ubos ng kanilang pagsisimula ng world tour sa bansa ng “Simula at Wakas”.

Sa social media account ng grupo ay inanunsiyo nila na sold-out na ang ticket ng kanilang konsiyerto na magaganap sa Philippine Arena sa darating na Mayo 31, 2025.

Ayon pa sa grupo na hindi sila makapaniwala na sa loob lamang ng halos pitong oras ay ubos na agad ang lahat ng tickets mula ng ianunsiyo ang bentahan nitong Marso 15.

Bilang pasasalamat ay nagpost ang grupo ng video ng kanilang pagsayaw ng kanilang bagong kantang “DAM”.