-- Advertisements --

Inaabangan na ng mga fans ng sikat na bandang Backstreet Boys ang nalalapit na pagbabalik nito sa Pilipinas na gaganapin sa October 28.

Ayon sa MMI live, maaari nang bumili ang mga fans ng ticket para sa one night concert ng banda sa darating na April 26-27.

Maaaring bumili ang publiko ng mga tickets sa website ng MMI Live sa April 28.

Ang Asian leg concert ng Backstreet Boys ay gaganapin sa walong syudad sa mundo sa loob ng siyam na araw.

Magsisimula ito sa October 12 kung saan magsisimula ito sa Tokyo at matatapos ng October 30 sa Singapore.

Narito ang ticket prices para sa BACKSTREET BOYS DNA WORLD TOUR:

VIP PIT STANDING – Php 16,500
VIP 1 SEATED – Php 15,500
VIP 2 SEATED – Php 14,500
LBA PREMIUM – Php 13,750
LBA REGULAR – Php 13,000
LBB PREMIUM – Php 12,250
LBB REGULAR – Php 11,500
UB PREMIUM – Php 7,650
UB REGULAR – Php 6,650
GEN AD – Php 2,550