-- Advertisements --
Put3SKA
Put3Ska

Nagkakaubusan na ang ticket ng reunion concert ng sikat na bandang PUT3SKA.

Gaganapin ang nasabin konsiyerto ngayong Biyernes Mayo 24 sa Music Museum.

Binuo ang banda noong 1993 na binubuo nina Arnold Morales, Bing Austria at Myra Ruaro o nakilalang si Skarlet Brown.

Binago nila ang music industry sa pagpapakilala ng SK music na pinaghalong Caribbean mento at calypso na may kasamang American Jazz , rhythm and blues.

Taong 1994 ng ilabas nila ang kanilang debut album na sinundan ng pangalawa album noong 1996 na may titulong “Manila’s Finest”.

Matapos ng ilang buwan ay naghiwalay ang grupo dahil sa hinidi pagkakaintindihan sa bawat isa at sa management.

Magiging special guest sa concert nila ay ang Japanese ska band na Beat Bahnhof at ilang mga local artist.