-- Advertisements --

Inilabas na ng organizer ng Maroon 5 concerts ang presyo ng mga tickets para sa concert nila sa bansa sa Enero ng susunod na taon.

Ayon sa Live Nation Philippines na ang pinakamahal na tickets ay P18,250 habang ang General Admission ay nagkakahalaga ng P3,500.

Magkakaroon lamang ng anim na tickets sa kada tao o per transaction ang papayagan.

Magsisimula ang bentahan nila ng tickets sa Setyembre 28.

Bukod kasi sa Pilipinas ay magsasagawa rin kasi ng concert ang grupo sa Jakarta, Bangkok, Kuala Lumpur, Tokyo at Taiwan.

Ito ang pang-apat na beses na magko-concert ang banda n ang una ay noong 2015, 2019 at huli ay noong 2022.

Taong 1994 ng mabuo ang grupo na kinabibilangan ng mga miyembro na sina: Adam Levine, Jesse Carmichael, James Valentine, PJ Morton, Matt Flynn, Sam Farrar, Mickey Madden, at Ryan Dusick.

Ilan sa mga pinasikat nilang kanta ay ang “She Will Be Loved”, “Payphone”, “Sunday Morning”, at maraming iba pa.