Ikinagalit ng mga fans mula sa India ng American rock band na Coldplay dahil sa taas ng presyo ng tickets nito.
Magsasagawa kasi ng tatlong araw na concerts ang banda sa buwan ng Enero ng susunod na taon at matapos na ianunsyo ang pagbebenta ng tickets ay mabilis itong naubos sa loob ng ilang minuto.
Maraming fans ang nagreklamo dahil sa ilang oras nilang hindi ma-access ang websites kung saan makakabili ng tickets.
May ilan pa ang nagreklamo na nagloko pa umano ang mga websites.
Isa sa lubos na ikinagalit nila ay ang biglang pagbebenta ng nasabing mga tickets ng mga reselling platforms sa mas mataas na halaga.
Ang pinakamurang tickets kasi ay katumbas ng halos P2,000 habang ang pinakamahal ay nasa mahigit P8,000 kung saan mayroong mahigit 10 milyong katao ang nag-uunahan para makabili ng nasa 180,000 tickets.
Sa mga online reselling platforms sa India ay umabot ang pinakamahal ng mahigit P600,000 ang isang piraso.
Itinuturing kasi na ang India ngayon ang target ng mga kilalang singer kung saan nag-concert na doon sina Ed Sheeran, Alan Walker at Dua Lipa.