-- Advertisements --

Nagbalik na sa paglalaro ng golf si Tiger Woods ilang buwan matapos ang pagkaka-aksidentenito.

Kasama niya ang kaniyang anak na si Charlie ay lumahok sila sa PNC championship sa Orlando, Florida na pormal na magsisimula sa Disyembre 19.

Ito ang unang paglalaro ni Woods matapos na maaksidente ng mahulog sa bangin ang kaniyang kotse sa Los Angeles na nagresulta sa pagkakaroon ng pinsala sa kaniyang paa.

Dahil dito ay sinabi nito na maaaring hindi na ito makakapaglaro ng full-time sa paglalaro ng golf.