Ibinunyag ni American golf player na si Tiger Woods na sumailalim ito sa operasyon para ayusin ang kaniyang napunit na kaliwang Achilles tendon.
Sinabi nito na isinagawa ang medical operations ni Dr. Charlton Stucken ng Hospital for Special Surgery sa West Palm Beach, Florida.
Dahil dito ay pinayuhan siya ng kaniyang doctor na magpahinga hanggang tuluyan na ito ng gumaling.
Hindi naman nagbigay si Woods kung hanggang kailan ito tuluyang magpapagaling ng kaniyang injury.
Mula pa noong Hulyo ng nakaraang taon ay hindi na sumali sa anumang torneo ang 15-time major champion dahil sa injury.
Isang operasyon kasi sa likod ang isinagawa sa kaniya noong Setyembre kung saan matapos ang ilang buwan ay nakasama ang 15-anyos na anak nitong si Charlie na naglaro sa PNC Championship family event sa Florida.