-- Advertisements --

Kinumpirma ngayon ni US golf star Tiger Woods na mayroon silang relasyon ng dating manugang na babae ni President Donald Trump na si Vanessa Trump.

Si Vanessa Trump ay dating asawa ni Donald Jr sa loob ng 12 taon kung saan mayroon silang limang anak.

Sa social media account nito ay nagpost siya ng mga larawan kasama si Vanessa.

Parehas kasi ang paaralan na pinapasukan ng anak ni Vanessa at ang dalawang anak ni Woods.

Mayroon namang dalawang anak si Woods sa dating asawang si Elin Nordegren na kaniyang nahiwalayan noon pang 2010.

Huling nakarelasyon ni Woods ay kay Erica Herman na tumagal ng pitong taon at nagtapos noong Oktubre 2022.