-- Advertisements --
Labis ngayon na nagluluksa si golf star Tiger Woods matapos ang pagpanaw ng ina nito na si Kultida Woods.
Kinumpirma nito ang pagpanaw ng ina sa kaniyang social media.
Hindi na nagbigay pa ng anumang detalye o sanhi ng kamatayan ng ina.
Dagdag pa nito na ang kaniyang ina ay isa sa nangungunang fans niya.
Pinasalamatan naman nito ang mga fans dahil sa pagpapaabot ng kanilang mga pakikipagdalamhati.
Ang ina nito na native ng Thailand ay laging nakikitang katabi ng anak tuwing mayroong torneo.
Magugunitang noong 2006 ng pumanaw na rin ang ina ni Tiger na si Earl Woods.