-- Advertisements --

Tinawag ni 15-time major tournament winner Tiger Woods ang kanyang sarili bilang ‘mentally rusty’ sa kanyang pagbabalik sa larangan ng golf.

Matagal na kasing hindi nakakapaglaro ang dating World No. 1 matapos siyang mag-withdraw sa The Masters noong buwan ng Abril, dahil na rin sa injury.

Ang naturang injury ay bahagi pa rin ng kanyang mga tinamong injury noong 2021 matapos siyang masangkot sa aksidente kung saan nagtamo siya ng matinding leg injury.

Bumalik sa Woods sa paglalaro ng Golf nitong nakalipas na linggo upang makibahagi sa unang round ng PGA Tour – Hero World Challenge sa Bahamas.

Ayon kay Woods, bagaman nararamdaman niya sa kanyang sarili na handa na siyang bumalik sa paglalaro, hindi na umano niya nagagawang mai-akma ang kanyang mentalidad sa paglalaro, hindi katulad ng dati niyang ginagawa sa tuwing sumasabak sa kompitisyon.

Dagdag pa ni Woods, maraming mga pagkakamali ang kanyang nagagawa sa mental na kapasidad, na dating hindi nagagawa sa mga nakalipas na pagsali sa mga kompitisyon.