-- Advertisements --

Naglabas ng video si US golf star Tiger Woods na naglalaro na.

Ito ang unang pagkakataon na nagpakita sa publiko ang golf player matapos na maaksidente noong buwan ng Pebrero.

Sinabi nito na patuloy ang kaniyang paggaling.

Ipinapahiwatig ng 45-anyos na si Woods ang muli nitong pagbabalik sa paglalaro.

Magugunitang naaksidente sa Southern California si Woods ng mahulog sa bangin ang kaniyang kotse kung saan nagtamo ito ng matinding sugat sa hita na sanhi ng operasyon.