Patuloy na nagpapagaling matapos ang malagim na aksidente si golf legend Tiger Woods.
Ayon sa kampo ng 45-anyos na US golf star, “awake, responsive at recovering” ito sa pagamutan.
Magugunitang habang minamaneho nito ang kaniyang SUV sa Rancho Palos Verders ng biglang nagkaroon ng aksidente ng bumangga sa punong kahoy at nahulog pa sa bangin.
Dahil sa insidente ay nagtamo ito ng matinding injury sa kaniyang paa.
Sumailalim agad ito sa operasyon sa kaniyang lower right leg at ankle sa Harbor-UCLA Medical Center.
Sinabi ni Chief Medical Officer Dr. Anish Mahajan na nadurgo ang buto nito sa hita kaya nilagyan nila ito ng bakal para ito maayos.
Itinuturing rin ni Mahajan na isang milagro na ang nangyari sa golf legend dahil sa matinding pagkakahulog.