-- Advertisements --
Sumailalim sa operasyon sa tuhod si golf star Tiger Woods.
Sinabi ng 43-anyos na US golf star na nagpa-arthroscopic surgery ito para maayos ang minor cartilage damage sa kaniyang kaliwang tuhod.
Tiniyak naman nito na siya ay babalik sa paglalaro sa Zozo Championship sa Japan na magsisimula mula Oktubre 24-27.
Pinawi din ng 15-time major ang pangamba ng kaniyang mga fans at sinabing nasa mabuting kalagayan na ito at siya ay nakakalakad na.
Magugunitang noong 2017 ay sumailalim na ito sa operasyon sa kaniyang likod kabilang na ang spinal fusion surgery.