-- Advertisements --

Walang naalala sa aksidente si Tiger Woods ng ito ay kausapin ng mga kapulisan.

Ito mismo ang lumabas sa affidavit ng US golf star may kaugnayan sa aksidenteng kinasangkutan nito.

Magugunitang minamaneho nito ang kaniyang Genesis SUV noong Pebrero 23 sa Rancho Palos Verdes sa LA ng mangyari ang aksidente.

Dahil sa aksidente ay nagtamo ito ng maraming pinsala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Sinabi ni Deputy Johann Scholegi ang traffice investigator na walang malay ang golf player at hindi nito sinasagot ang mga tanong sa kaniya.