Magsasagawa ng transport strike ang isang grupo ng mga driver at operator ng jeepney dito sa buong Metro Manila.
Ipinahayag yan ng grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) bilang pagtuligsa pa rin sa mataas na presyo ng produktong petrolyo sa bansa at muling manawagan hinggil sa suspensyon ng fuel excise tax.
Layunin din ng naturang aktibidad na manawagang sa pamahalaan na ibasura na ang Oil Deregulation Law na itinuturo nilang isa sa mga dahilan ng mas mataas na halaga ng presyo sa langis.
Magtatagal ng dalawang oras ang naturang strike mula alas-12 ng tanghali hanggang alas-2 ng hapon na mamarkahan din ang pocket rally sa iba’t-ibang lugar sa rehiyon kabilang na ang Novaliches, Quezon City, Litex Terminal, Commonwealth sa QC, at Pedro Gil sa Maynila sa pangunguna ng mga tsuper, manggagawa, at iba pa
Magugunita noong Marso 15 ay nagsagawa rin ng transport strik ang naturang grupo hinggil pa rin sa kaparehong dahilan na kanilang ipinaglalaabn
Ang mga kumpanya ng langis ay nagtaas kamakailan ng presyo ng diesel at gasolina ng P13.15 at P7.10 kada litro na bumababa naman ngayong linggo matapos ang 11 sunud-sunod na lingguhang taas presyo.