-- Advertisements --
Nagpasya ang transport group na Manibel na pansamantalang suspendihin ang kanilang transport strike.
Sinabi ni Mar Valbuena ang pangulo ng grupo na nakiusap ang ilang opisyal ng gobyerno kung saan maraming mga mananakay ang maapektuhan nito lalo na at kasabay pa ang pananalasa ng bagyong Egay.
Magkakaroon aniya muna ng pag-uusap ang kanilang grupo at ang gobyerno.
Iginiit pa nito na kapag hindi sila napagbigyan ng gobyerno sa kanilang hiling ay magkakaroon muli ng surpresang tigil pasada.
Magugunitang inilunsad ang tigil pasada mula Hunyo 24 hanggang 26 kasabay ng ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.