-- Advertisements --

Magsasagawa ng panibagong tigil pasada sa buong bansa ang mga transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) at Manibela mula ngayong Lunes hanggang Biyernes, Disyembre 22.

Ito ay bilang protesta pa rin laban sa deadline ng consolidation o pagsasama-sama ng prangkisa sa Disyembre 31 sa ilalim ng public utility vehicle (PUV) modernization program ng gobyerno.

Ayon kay Manibela Chairman Mar Valbuena, nasa 2,000 jeepney drivers at operators ang inaasahang sasama sa nationwide transport strike mung saan nasa 50,000 dito ay mula sa Metro Manila.

Muli namang hindi sasama sa tigil pasada ang Magnificent 7 na kinabibilangan ng Pasang Masda, Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines, Alliance of Concerned Transport Organizations, Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines, Stop and Go Transport Coalition, at Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas.

Nilinaw naman ni na pabor ito sa cosolidation subalit ang kanilang panawagan ay palawigin pa ang provisional authority at prangkisa ng mga hindi pa nagconsolidate.

Aniya, ilang mga tsuper at opereytor ng dyip ang hindi kayang bumili ng mga modernong jeepney na nagkakahalaga ng mahigit ₱2 milyon kada isang unit.

Maaari naman aniyang hindi mahal ang pagsasamoderno ng mga dyip sa bansa at pwede naman aniyang irehabilitate na lamamg sa halip na i-phaseout ang mga tradisyunal na dyip.

Ayon sa LTFRB, nasa 68,830 PUV units ang hindi pa sumasali sa mga kooperatiba o korporasyon mahigit 1 linggo na lamang bago ang deadline. – EVERLY RICO