-- Advertisements --

Nanawagan si dating Sen. Panfilo “Ping” Lacson ng  “tigil putukan” sa pulitika para matutukan ng mga pinuno ng bayan ang mga problemang humaharap sa ating bansa.

Ikinalungkot ni Lacson na  ang pinakamataas na pinuno ng bayan, ang Pangulo at Pangalawang Pangulo, at ang kanilang mga tagasuporta ay nagpapalitan ng maaanghang na salita na umabot na sa banta.

“Sa halip na magkaroon ng sulsulan galing sa magkabilang kampo, dapat may proverbial cooler heads na mag-intervene. Kung hindi man magkasundo, magkaroon muna ng ‘tigil putukan.’ Mas marami tayong problemang hinaharap,” ani Lacson.

Ipinunto ni Lacson na hindi pa tuloy na naka-recover ang bansa sa epekto ng sunud-sunod na bagyo, habang pataas nang pataas ang presyo ng bilihin habang humina naman ang exchange rate ng piso.

Dahil dito, giniit niya na hindi dapat maaliw ang taumbayan sa away pulitika dahil walang mabuti ang maidudulot dito.