BACOLOD CITY – Nanawagan ang dating Olympian at artista na si Monsour del Rosario ng “time-out” sa mga negatibong isyu sa hosting ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games.
Sa pagbisita sa Bacolod ng presidente ng Southeast Asian Taekwondo Federation, nanawagan ito sa mga opisyal ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) at iba pang sports federation na tigilan muna ang batuhan ng sisi at isyu lalo na sa social media habang nagpapatuloy pa ang palaro.
Ayon dito, kapag natapos na ang SEA Games, kahit na magsapakan pa ang mga opisyal ay may kalayaan na silang gawin itio.
Ngunit sa ngayon aniya, kailangang isantabi ang mga negatibong isyu at dapat na tutukan ang mga atleta na nangangailangan ng suporta.
Binigyang-diin din nito na dapat mapakita ng Pilipinas sa mga foreign delegates na mgaling itong host 30th SEA Games.