-- Advertisements --

Inanunsiyo ng social media app na TikTok na kanilang ibabalik ang serbisyo sa sa kanilang 170 milyon na users sa US.

Kasunod sa ginawang anunsiyo ni US President-elect Donald Trump na kaniyang bibigyan ng assesment ang nasabing app kapag naupo na ito sa puwesto.

Ayon sa Chinese-owned app na inaayos na nila ang muling pagbabalik ng app sa US at pinasalamatan din nila si Trump dahil sa pagbibigay linaw at katiyakan.

Nagpahayag din sila na makipagtulungan kay Trump para sa pang-matagalang solusyon at mapanatili ang app sa TikTok.

Magugunitang nitong araw ng Linggo ay hindi na gumana ang ilang milyong TikTok account ng mga users nito sa US matapos ang maipasa ang batas noong Abril na tatanggalin ang nasabing app dahil umano sa hinala ng US na nagsasagawa ng pang-iispiya ang China sa kanila.